May 17, 2013

Mga Masayang Ala-ala Sa Mga Batang 90's



Mga masayang ala-ala yan ang pinapakita ng video na to. Naalala ko pa na excited na excited ako kapag malapit nang matapos ang school year kasi alam ko summer na at di na kailangang gumising ng maaga. Makakpanood na ako ng mga paborito ko na cartoons sa TV. At sa hapon naman ay hinahanap ang mga kalaro na kapitbahay namin.

Buong maghapon nasa labas naglalaro, naliligo sa pawis nadudumihan. Ganyan kasaya noon kasama ang mga kaibigan at kalaro. Syempre ang pag-gawa at pag-papalipad ng saranggola isa yan sa kinasasabikan ko tuwing summer at pagpunta sa dagat para mag outing. Naalala ko rin kami ng Tito ko gumagawa kami ng isang malaking saranggola at doon namin pinalipad sa dagat, ang gandang tignan.

Pagkatapos ng summer balik na naman sa school. Nakita ko rin dito sa video yung gera sa papel isa yan sa paboritong laruin kapag lunch break o kaya kung wala ang teacher. Kadalasan din yung gumagawa kami ng paper airplane at pagandahan pa nga ng design at lipad.

Sa dami ng masayang ala-ala na pinakita sa video hindi ko na masulat lahat. Sana nagustohan nyo video gaya ng nagustohan ko. Galing po yang video na yan sa YouTube kay Lorenzo Luis Potato. Nakita ko lang po yan at naisipan kong ishare.

Sa huli ng video na to nabasa ko ang isang qoute kaya ito ginawan ko ng parang flyer.




If you like this blog post please click the SHARE Button.


This blog post is brought to you by
JayDelaPeña who enjoys helping people
earn an extra income using the internet.
Message me on Facebook if you have
questions.


If you want to read about How To - Record Audio Using Audacity...Click Here




Gusto mo bang kumita sa
internet gamit ang Facebook?



Get your FREE Online Training Here

or Click the button below

No comments:

Post a Comment